Martin4 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Di ko hahayaan na Kamara sirain ng name-dropping, kasinungalingan

304 Views

ITINANGGI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga alegasyon na lumabas sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, at tinawag itong kasinungalingan at malisyosong paggamit sa kanyang pangalan na layong dungisan ang kanyang integridad at pahinain ang Kongreso.

“I cannot and will not allow lies and name-dropping to pass unchecked,” ani Speaker Romualdez, bilang tugon sa paratang ng mag-asawang kontratistang Discaya sa Senado.

Dagdag pa niya: “The claim in the Discaya couple’s affidavit that my name was used for commissions is false, malicious, and nothing more than name-dropping. Let me be clear: Wala akong kinalaman, wala akong pahintulot, at wala akong basbas sa mga ganyang gawain.”

Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang Kongreso ay nag-aapruba lamang ng budget at walang papel sa pagpapalabas ng pondo o pagpapatupad ng mga proyekto na siyang trabaho ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Congress debates and approves the budget. It does not release funds. It does not implement projects. That is the sole duty of the Executive and agencies like the DPWH,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nagbabala ang lider ng Kamara na sinumang gumamit ng kanyang pangalan para manghingi ng pera ay ginawa ng walang pahintulot mula sa kanya kaya dapat papanagutin.

“If anyone invoked my name, they did so without my knowledge and without my consent. At kung ginawa nila iyon para kumita, sila ang mandaraya at sila ang dapat managot,” sabi ni Speaker Romualdez.

Iginiit rin ng lider ng Kamara ang kanyang paninindigan laban sa korapsyon.

“And I say this with all honesty: I have never, and I will never, accept a bribe from anybody. Walang sinuman ang kayang manuhol sa akin. Alam iyan ng lahat ng House Members. I am self-made, and I have been blessed with the trust of the Filipino people. I do not need―and will never allow myself―to be corrupted by money that does not belong to me,” saad pa nito.

Nangako si Speaker Romualdez ng pananagutan para sa sinumang umaabuso o gumagamit ng kanyang pangalan, nasa gobyerno man o wala.

“Kung may nang-abuso o gumamit ng pangalan ko para kumita, sila ang dapat managot―kahit sino pa sila, sa loob o labas ng gobyerno. But let us not allow lies and name-dropping to destroy reputations or weaken faith in Congress,” babala nito.

“I will not allow falsehoods to tarnish my integrity or the institution I lead. Under my watch, we will clean the system, punish the guilty, and protect the people’s money,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.