Martin

Ang ICI ang tamang venue para pag-usapan ang isyu ng flood control projects -Rep. Romualdez

Mar Rodriguez Oct 14, 2025
325 Views

PARA kay dating House Speaker, Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Gomez Romualdez, ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang tama at naaangkop na lugar (venue) para pag-usapan ang di-umano’y nangyaring insertion sa napaka-kontrobersiyal na flood-control projects.

Pagbibigay diin ng Romualdez na ang naturang fact-finding body ay nakatutok sa pagsasaliksik ng katotohanan at ebidensiya sa halip na pagtuunan nito ng pansin ang mga espekulasyon at ingay ng politika na nagdadawit sa pangalan ng ilang mambabatas sa kontrobersiya.

Sa isang ambush interview ng media, nagpahayag ng pasasalamat si Romualdez para sa ICI kasabay ng pagbabahagi nito ng kaniyang nalalaman patungkol sa budget process at ilang issue.

“Sa ngayon po. It’s about facts and evidence and hindi lang political noise or speculations kaya the ICI commissioners were able to ask me many questions and I was able to answer them, and I feel very, very happy and I welcome this opportunity,” wika ni Romualdez sa panayam ng Media.

Sinabi din ni Romualdez na lubos nitong ikinagagalak na siya ay mabigyan ng pagkakataon upang humarap sa imbestigasyon ng ICI at sagutin ng diretsahan ang mga katanungan sa kaniya ng nasabing fact-finding body kaugnay sa lahat ng isyu na ibinabato laban sa kaniya.

“I’m very glad that I was invited to the ICI to share my personal knowledge on the budget process and of cource, any information about the insertion on the flood control. That is my invitatation,” sabi pa ni Romualdez.