Calendar
Bagong hepe ng PDAO, OSCA ipinakilala
SINABI ni Calapan City Mayor Doy Leachon na bagong pagkakataon ang bagong buwan upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa bawat Calapeño.
Sa unang flag raising ng syudad, hinihikayat niya ang lahat ng kawani na magsikap at maging inspirasyon, upang sama-samang maitaguyod ang mas maunlad at mas maayos na lungsod.
Ipinakilala rin ni mayor sina Glenda Valerio, ang bagong PDAO head, at Imelda Dacillo, ang bagong OSCA head.
Ayon kay Mayor Doy, ang kanilang pag-upo ay hakbang upang mas mapaigting ang serbisyo publiko, lalo na sa mga persons with disabilities at senior citizens.
Nagpaalala naman ang Calapan City Bureau of Fire Protection sa mga Calapeño tungkol sa kahalagahan ng paglaban sa sunog ngayong Fire Prevention Month.
Hinikayat ng BFP-Calapan ang bawat pamilya na i-check ang kanilang electrical appliances, maging maingat sa pagluluto at makiisa sa mga fire drills upang mapangalagaan ang kanilang buhay, ari-arian at komunidad.
Isang pagbati ang ibinigay kay Naomi Felicity Perez Aytin, ang back-to-back National Age Group Triathlon Champion (16–19 category).

