Calendar
Natl Women’s Month celebration ipinagdiwang sa PRO-3
CAMP OLIVAS, SAN FERNANDO, Pampanga–Nakibahagi ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso bilang pagkilala sa papel ng mga kababaihan sa nation-building at serbisyo publiko.
May temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” inilunsad noong Marso 5 sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad ang Women’s Month na pinangunahan ni PRO-3 director Brig. Gen. Jess Mendez.
Nakipagtulungan ang mga pulis sa donate.philippines na pinamunuan ni Myrna Reyes at ng PRO-3 Officers Ladies Club na pinangungunahan ni Lorina Batangan.
Nagsagawa rin ng mga wellness activity at speaker si Dr. Sheryl Palad.
Binigyang-diin ni Mendez ang kahalagahan ng pagpapalakas sa papel ng kababaihan sa hanay ng pulisya.
“Bilang paggalang sa lahat ng kababaihan sa serbisyo ng pulisya, patuloy na binibigyang-lakas ng pamunuan ang mga policewomen at binibigyan sila ng pagkakataong makapaglingkod sa mga posisyong pamunuan at operasyonal na tradisyonal na pinangungunahan ng mga lalaki,” sabi ni Mendez.

