Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Motoring
Bagong ridership record naitala ng MRT-3
Peoples Taliba Editor
Jan 26, 2023
524
Views
NAKAPAGTALA ang Metro Rail Transit-3 ng bagong ridership record sa nakaraang dalawang taon at pitong buwan.
Ayon sa MRT-3 noong Biyernes, Enero 20 ay umabot sa 396,345 pasahero ang naisakay nito. Ito ang pinakamataas na bilang ng mga sumakay na pasahero mula noong Hunyo 1, 2020 o nang magbalik ang operasyon ng railway system matapos itong pansamantalang isara dahil sa pandemya.
Bago ito, ang rekord ay 389,036 pasahero na naitala noong Hunyo 2022.
Iniuugnay ang pagdami ng pasahero sa mas maayos na serbisyo ng MRT-3 matapos ang isinagawa ritong rehabilitasyon na natapos noong Disyembre 2021 na nagbigay daan upang maiakyat sa 60 kilometro bawat oras ang bilis ng mga tren.
LTFRB tinanggihan 2 aplikante ng MTPP
Oct 12, 2026
19 TNCs pinatawag sa di pagtupad sa taas-pasahe
Oct 1, 2026
Dagdag-pasahe sa PUVs, epektibo sa Setyembre 28
Sep 26, 2026

