Calendar
Banga National HS shooting: 6 estudyante nasawi. 17 iba pa sugatan
ANIM na estudyante ang patay habang 17 iba pa ang nasugatan sa pamamaril sa loob ng Banga National High School sa South Cotabato nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang impormasyon ay batay sa kanilang mga kinatawan sa lugar at local government unit ng Banga.
Sa inisyal na ulat, naganap ang isang insidente sa loob ng isang silid aralan kung saan isang grade-11 student na babae ang suspect habang pawang mga grade 9- students ang sugatan.
Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., lima ang agad na dinala sa pagamutan subalit isa ang nasawi.
Napag-alaman mula sa kaibigan ng suspect na ang huli ay miyembro ng isang tinatawag na ” True Crime Community”.
Agad namang nagpahayag ng pag-aalala ang Department of Education sa insidente.
Ayon sa DepEd, nakipag-ugnayan na sila sa local government units at law enforcement agency para alamin ang tunay na nangyari at makapagbigay narin ng karampatang tulong.
Nakatakda ring magbigay ang ahensya ng phychological first aid at mental health support sa mga apektadong estudiyante at guro.
Hinimok din ng DepEd ang publiko na manatiling kalmado at huwag magbahagi ng impormasyon na hindi pa nakukumpirma habang patuloy ang imbestigasyon.
Samantala, inihayag naman ni Banga Mayor Albert Palencia na pag-aari ng ama ng estudiyante ang 9mm double -column na baril na ginamit sa krimen.
Ang ama ng suspect ay empleyado rin ng DepEd Region 12 at nagtuturo umano ito ng gun safety.
Napag-alaman na nakatago ang baril sa isang vault subalit sinira ito ng suspect para makuha ang baril.
Wala din aniya sa bahay ang tatay ng suspect at nasa General Santos City nang maganap ang krimen.

