Barker Kinilala ni PBGen.Arnold Thomas Ibay, RD ng NIR, ang suspek matapos matimbog sa sa buy-bust operation sa Bacolod City. JONJON C. REYES

Barker nakuhanan ng shabu, swak sa selda

Jon-jon Reyes Nov 23, 2025
391 Views

SWAK sa selda ang 21-anyos na lalaki matapos makuhanan ng 40 gramo ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng Bacolod police Purok Lubi, Bgy 3, Bacolod City, Sabado ng gabi.

Nakilala ang suspek na si alyas Jude, 21,binata, at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Regional Director Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, ng Negros Island Region, bandang 6: 53 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Police Station 2 SDET/Intel team sa pamumuno ni Police Capt. Genus David at sa pangangasiwa ni Police Major Eugene Tolentino na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek.

Nabawi ng mga operatiba mula sa suspek ang mga sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, boodle money at itim na coin purse.

Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. Ang nakumpiskang shabu ay tinatayang nagkakahalaga ng P272,000.