Bataan

Bataan, 3 govt agencies nagkaisa vs human trafficking

Christian Supnad Oct 6, 2025
118 Views

THE BUNKER, Bataan- Nagkaisa noong Lunes ang Bataan, sa pamumuno ni Gov. Joet Garcia, at tatlong government agencies upang labanan ang illegal recrtuitment at human trafficking.

Sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng Bataan, Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Deparment of Labor and Employment at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), nagkaisa sila sa paglaban sa human trafficking.

“Layunin po ng kasunduang ito na pagtibayin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga nasabing ahensya upang mas mapalakas ang mga programa laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Ito po ay upang matiyak na may sapat na suporta, proteksyon at oportunidad ang ating mga kababayang OFWs at kanilang pamilya,” paliwanag ni Gov. Garcia.

Kasabay ng okasyong ito, sinabi ni Garcia na may pamamahagi ng Agarang Kalinga at Saklolo sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund Assistance para sa mga OFWs at kanilang pamilya na naapektuhan ng pagbaha dulot ng mga nagdaang bagyo.

“Asahan po ninyo na mas lalo po nating pagtitibayin ang suporta at malasakit para sa ating mga kababayang OFWs,” dagdag ng gobernador.