Calendar
PNP: Cebu payapa, walang krimen matapos ang lindol
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking agad na maipagkaloob ang tulong at seguridad sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa parte ng Hilangang Cebu na pininsala ng isang 6.9. magnitude earthquake noong Septyembre 30, agad na kumilos ang Philippine National Police (PNP) upang tumulong sa mga mamamayan na napinsala ng paggalaw ng lupa.
Ayon kay Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., kapuri-puri ang naging pagtutulungan ng mga pulis ng PRO 7, katuwang ang Armed Forces, Local Government Units at iba pang mga responders upang agad na makapagbigay ng tulong sa mga apektadong lugar gaya ng Bogo City, Medellin, Tabuelan, San Remigio, at ang Bantayan Islands.
“Sunod-sunod man ang kalamidad, mula sa bagyong Nando, Ompong, at Paolo, hanggang sa malakas na lindol, hindi natinag ang ating kapulisan. Nasira man ang ilang tulay at kalsada, nanatili ang kanilang tapang at malasakit. Dahil dito, mabilis nating naibalik sa normal ang sitwasyon sa Hilagang Cebu,” ani ng Hepe ng Pambansang Pulisya.
Dagdag pa niya, agad ding nagpadala ng karagdagang pwersa at kagamitan mula sa Police Regional Offices 6, 8 at Negros Island Region at ang PNP Maritime Group upang tumulong sa sa mga lugar na hindi madaanan ng sasakyan.
Sa gitna ng nagpapatuloy na rehabilitasyon, iniulat ng Police Regional Office 7 sa ilalim ni Brigadier GEn. Redrico A. Maranan na walang naitalang focus crime sa mga nabanggit na apektadong lugar mula Oktubre 1 hanggang 5, malinaw na patunay ng disiplina at katatagan ng mga Cebuanos at ng matatag na presensya ng kapulisan sa rehiyon.
Ayon kay PNP Spokesperson at Chief ng Public Information Office, Brigadier Gen. Randulf T. Tuaño, pinapakita ng ‘zero focus crimes’ sa mga napinsalang lugar ang pagtutulungan ng bawat isang Cebuno at pamahaalan.
“Sa bawat sakuna, lumalabas ang diwa ng bayanihan. Ipinakita ng mga taga-Cebu ang disiplina at pagkakaisa, at tinugunan ito ng ating mga pulis ng buong puso at malasakit,” ayon sa opisyal.
Dagdag pa niya, patuloy na tutulong ang PNP sa mga mamamayan ng Cebu, sa pagbibigay ng tulong, pagpapanatili ng kaayusan, at sa muling pagbangon ng mga komunidad.

