Calendar
Bataan may apostille hub
THE BUNKER, Bataan–Binuksan noong Lunes ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Bataan provincial government ang Apostille hub para sa authentication purposes.
Pinangunahan nina DFA Office Consular Affairs director Charles Andrei Macaspac, Gov. Joet Garcia, Mayor Richie Jason David ng Limay, Mayor Erik Martel ng Abucay at iba pang mga opisyal ang pagbubukas ng hub sa The Bunker Atrium, Balanga City, Bataan.
Pinuri ni Mayor David ang hub Limay at sinabing malaking hakbang ito upang mas mapadali at mas mailapit sa mga Bataeño ang mga serbisyo ng DFA, lalo na para sa mga dokumentong nangangailangan ng apostille authentication.
Ang Apostille ang document na pinalit sa dating red ribbon, isang certificate na ibinibigay ng DFA sa mga documents na napatunayang original at legitimate.

