Bataan1

Bataeño inimbento bangkarador na pwedeng pansagip pag may baha

Christian Supnad Sep 18, 2026
123 Views

BataanMARIVELES, Bataan — Nakaimbento ang isang taga-Bataan ng tinatawag niyang bangkarador na angkop sa mga barangay na binabaha.

Naimbento ni marine engineer at naval architect Lito Rubia, presidente ng Ruvia Yacht na may planta sa Freeport Area of Bataan (FAB) ang bangkarador na combination ng bangka at aparador dahil pwedeng gamiting bangka na pang rescue at aparador kapag tag araw.

“Dual purpose kasi etong bangkarador– pwedeng bangka at pwdeng gamiting aparador kapag hindi na tag ulan,” paliwanang ni Engr. Rubia.

Nagkaroon siya ng idea na mag-imbento ng nasabing aparato matapos makita ang kaaba-abang kalagayan ng mga biktima ng baha noong mga nakaaraang araw.

“Dahil sa kanila kaya ako nag design nitong bangkarador.

Mahirap na nga sila, ka aba-aba pa sa paningin,” anang imbentor.

Sa mga gustong magtanong ng karagdagang informasyon, pwedeng tumawag sa 0918-9108288 at 09199102324.

Ang bangkarador ay mabilis at magaan dahil may makina ito at unsinkable.

Bakod sa exclusibong gumagawa ng mga world-class na yate, na- convert ni Engr. Lito Rubia ang isang obsolete warship ng Russia na maging superyacht.