Pic

Batangas City inaprubahan ordinansa na nagre-regulate sa ingay mula exhaust ng motor

26 Views

Pic1LUNGSOD ng Batangas–Pasado na sa ikalawang pagbasa ang ordinansang inakda ni Konsehal Arthur Blanco at Armando Lazarte na naglalayong i-regulate ang labis na ingay mula sa exhaust system ng mga motor vehicle sa lungsod.

Batay sa bagong ordinansa, hanggang 99 decibels maximum sound level na lamang ang papayagan para sa exhaust o muffler sa engine speed na 2,000 hanggang 2,500 RPM.

Tutugunan nito ang mga nagkalat na modified, open-pipe, defective at improperly maintained na mga tambutso na nagdudulot ng ingay.

Nakabase ang hakbang sa mga umiiral na pambansang pamantayan, habang iginagalang din ang regulatory authority ng Land Transportation Office (LTO) pagdating sa technical standards ng mga sasakyan.

Nagpasalamat si Konsehal Blanco kay Konsehal Armando Lazarte, Vice Mayor Alyssa Cruz at sa lahat ng kasamahan na Konsehal sa Sanggunian Panlunsod.