Pic2

Imahe ng Nuestra Senora de Guadalupe, San Juan Diego nasa Pagsanjan

Gil Aman Sep 22, 2026
21 Views

PAGSANJAN, LAGUNA–Sinalubong ng mga tao dito ang imahe ni Nuestra  Señora de Guadalupe at San Juan Diego mula sa Mexico noong Setyembre 22.

Sinalubong ng mga deboto, mag‑aaral, kawani ng iba’t-ibang tanggapan, mga pari at marami pang mananampalataya ng Birhen ng Guadalupe ang dalawang imahe.

Isinagawa ang prusisyon mula sa kapilya ng Sampaloc patungo sa dambana at Parokya ng Nuestra Señora de Guadalupe.

Kasama sa pagsalubong si Gov. Sol Aragones at Pagsanjan Mayor Jan Garcia.

Matapos ang prusisyon, isinagawa ang opening salvo na mga deboto.

Nagkaroon din ng pagtatanghal mula sa mga kabataan at programa bilang pagtanggap sa mga banal na imahen.

Sinundan ito ng misa na pinangunahan ni Rev. Msgr. Jerry Bitoon. Matapos ang seremonya, binuksan na sa publiko ang pagpupugay at pagbabanal sa imahe na mananatili hanggang Setyembre 24.

“Lubos ang ating pagkagalak sa pagbisita ng ating Ina sa Pagsanjan at sa ating lalawigan,” sabi ni Gob. Aragones.

Ipinahayag niya ang suporta ng pamahalaan sa pananampalatayang Kristiyano.