Calendar
Bato nagpasalamat sa bumati sa ika-64 na kaarawan
SINABI ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Martes na siya ay “alive and well” habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-64 na kaarawan.
“Here I am, alive and well, gratefully celebrating 64 years of this God-given life,” pahayag ni Dela Rosa sa isang opisyal na statement.
Ang pahayag ni Dela Rosa ay dumating sa gitna ng nagpapatuloy na kontrobersiya tungkol sa umano’y partisipasyon niya sa kampanya ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, isang kampanyang umani ng internasyonal na puna dahil sa libu-libong pagkamatay at pangamba sa pananagutan.
Lumaki ang ligalig matapos may mga ulat noong huling bahagi ng 2025 na may inilabas na ICC arrest warrant para sa senador, ngunit hindi ito opisyal na kinumpirma ng ICC o ng mga otoridad sa Pilipinas. Ang bagong patakaran sa extradition ng Korte Suprema at mga isyu sa proseso ay lalo pang nagpahirap sa pangyayari. Ang mga grupo ng biktima ay nananawagan ng beripikasyon ng nasabing warrant at pananagutan kung ito ay mapapatunayang totoo.
Ayon sa senador, siya ay “waiting” para umano sa tunay na paghahanap ng hustisya na manaig, at tinutulan niya ang aniya’y “fake and foreign meddling” mula sa mga taong “do not and can never know us or be us.”
“If indeed there are cases against me, then I wait for a time and a certainty that I shall be able to face these cases as a Filipino, before Filipinos,” saad niya.
Dagdag pa ni Dela Rosa, “Kung papayag lamang ako na ako’y huhulihin at lilitisin ng mga tao at korteng banyaga, tila binalewala ko na rin ang pakikipaglaban ng ating mga bayani at sundalo para sa ating kasarinlan. Hinding hindi ko sasayangin ang dugo at pawis ng mga Pilipinong lumaban para sa Pilipinas. This is patriotism.”
Sinabi rin niya na nananatili siyang “patient and composed” at “dignified,” at nagbato ng mensahe sa mga aniya’y sabik na maisuko ang isang Pilipino sa mga dayuhan.
“To those who are all-too-eager and impatient, try flipping your script. Ask yourself: why are you excited to surrender your fellow Filipino to foreigners? Where is your moral fiber? Why are you the first to applaud the collapse of our sovereignty? I wait, too, for your change of heart,” ayon sa senador.
Nagpasalamat si Dela Rosa sa mga bumati at patuloy na sumusuporta sa kanya.
“Sa lahat ng mga nakaalala at bumati, sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta, nagdarasal, at nagmamahal: maraming salamat. I am even braver, knowing you are with me in this fight,” aniya.
Ayon pa sa kanya, ang kanyang kahilingan sa kaarawan ay maibalik ang Pilipinas sa tinawag niyang “true nationhood,” kung saan ang hustisya ay naipatutupad “right here, on our shores, in our courts.”
“On my 64th birthday, I make this wish, if I may be permitted: that the Philippines will once more be restored to true nationhood. One that demands that justice be served right here, on our shores, in our courts. Justice that requires us to stand tall and proud as Filipinos. Nothing more, nothing less,” pahayag niya.
Tinapos niya ang kanyang statement sa linyang: “Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta, buhay ay langit sa piling Mo.”

