BPPO

BPPO tiniyak matibay ebidensya, di mabasura mga kaso sa iligal na droga

135 Views

BPPO1BPPO2

ISANG malalimang pagsusuri ang isinagawa ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa siyam na na-dismiss na kaso ng ilegal na droga upang maiwasan ang mga kaparehong pagkakamali sa mga susunod na operasyon noong Agosto 21, 2026, sa PEMAC Conference Room, sa Kampo Heneral Malvar, lungsod ng Batangas.

Pinangunahan ni Deputy Provincial Director for Operations (DPDO) PLTCOL Ronelon M. Castañeda ang pagpupulong, kasama si Operations PCO PMaj. Ocfemia at Provincial Legal Service (PLS) representative PMaj. Yolanda Bacay.

Dumalo rin ang mga tauhan mula sa Batangas Component City Police Station at Lipa Component City Police Station na siyang humawak sa mga kasong nagresulta sa pagpapawalang-sala ng mga akusado.

Sa sesyon, naglabas ng mahigpit na direktiba ang pamunuan upang bigyang-diin ang mahigpit na pagsunod sa chain of custody at iba pang legal na kinakailangan habang nagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga.

Layunin nito na tiyaking matibay ang mga ebidensya at hindi na mabasura ang mga hinaharap na kaso sa korte.