Batangas

BPPO porman nang binuksan 2026 Prov’l Director’s Cup

153 Views

Batangas1Batangas2Batangas3

TAYSAN, Batangas — Pormal nang binuksan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang 2026 Batangas PPO Provincial Director’s Cup noong Agosto 21, 2026, sa Mariners Shooting Range, Brgy. Sto. Niño, sa bayang ito.

Ang dalawang araw na paligsahan ay pinangunahan ni PCol. Oliver B. Ebora, acting Provincial Director ng BPPO, sa pakikipagtulungan ng Batangas Rifle and Pistol Group (BRPG) na pinamumunuan ng pangulo nitong si G. Bayani “Van” R. Marabe.

Nagsilbing guest of honor at tagapagsalita sa kaganapan si Rep. Amado Carlos “Caloy” Bolilia IV, ng Ika-apat na Distrito ng Batangas.

Dumalo din si Taysan Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal, mga miyembro ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA), BPPO Command Group, at mga kinatawan ng iba’t ibang local police stations at Mobile Force Companies.

Ang paligsahan ay isang Level 2 match na kinikilala ng PPSC.

Nagtampok ito ng 10 stages para sa mga sibilyang kalahok (minimum na 200 rounds) at limang stages para sa mga tauhan ng Philippine National Police (minimum na 100 rounds).

Layunin ng aktibidad na isulong ang responsableng pagmamay-ari at paghawak ng baril, disiplina, kahusayan sa pagbaril, at sportsmanship.