Poe

Brian Poe hiniling na rin sa Kongreso na imbestigahan online gambling

Mar Rodriguez Jul 9, 2025
324 Views

Poe1MAGING ang anak ni dating Senator Grace Poe na si FPJ Panday Bayanihan Party List Representative Brian Poe Llamanzares ay nababahala sa masamang epekto hatid ng online gambling kaya hinihiling na rin nito sa Kamara ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa naturang sugal.

Sinabi ng neophyte congressman na kinakailangan nangg manghimasok ng Kongreso upang busisiin ang epektong idinudulot ng online gambling sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino lalo na ang mga kabataan at menor de edad na nalululong dito.

Pagbibigay diin ni Poe na unti-unti nang nagiging “social problem” ang online gambling sapagkat napakadali aniya nitong ma-access sa pamamagitan ng gambling apps kung saan pati ang mga kabataan at menor de edad ay kayang kaya itong pasukin.

Dahil dito, inihain ni Poe ang kaniyang House Resolution No. 40 upang hilingin sa House Committee on Games anf Amusement ang pagsasagawa ng imbestigasyon para alamin kung papaano masosolusyunan ang problema sa online gambling.

Binigyang diin pa ng kongresista na ang patuloy na operasyon ng online gambling ay maituturing na isang “menace” o salot dahil sa maraming buhay at pamilyang sinisira nito kabilang na dito ang mga estudyanteng hindi nakakatapos ng kanilang pag-aaral dahil masyado umano silang nalulong sa online gambling.

“It’s about time we began investigating the crippling effects of online gambling on society, especially illegal or unregulated online gambling. Reports indicate a sharp rise in gambling related debts, family strife, school dropouts and mental health issues,” sabi nito.