Oducado

Oducado nagpapatawag ng imbestigasyon vs operasyon ng online gambling

Mar Rodriguez Jul 9, 2025
278 Views

Oducado1Oducado2BUNSOD nang lumalalang problema ng online gambling sa ating bansa dahil unti-unti nitong winawasak ang buhay ng maraming kabataan, inihain ni 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ang isang resolution upang magkasa ng imbestigasyon ang Kongreso laban sa operasyon ng naturang sugal.

Isinulong ni Oducado nitong Hulyo 9 ang kaniyang House Resolution No. 42 para magsagawa ng masusing imbestigasyon ang Kamara de Representantes laban sa patuloy na pamamayagpag at operasyon ng online gambling.

Nilalayon ng resolution ni Oducado na makapagbalangkas ng isang tiyak na panukalang batas na tuluyan ng susugpo at bubuwag sa operasyon ng online gambling kung saan nakakabahala na aniya ang perwisyong idinudulot ng nasabing sugal.

Pagbibigay diin ng kongresista na mahalagang malaman sa ikakasang pagsisiyasat kung gaano kalawak ang operasyon ng online gambling kabilang na dito ang mga naging epekto nito sa mga taong nalulong dito partikular na ang mga kabataan at menor de edad na madaling nakaka-access ng online gambling apps.

Inihalimbawa ng neophyte Party List solon ang 2023 nationwide survey kung saan iniulat na 66% ng mga Pilipino gumagamit ng internet na may ead na 18 hanggang 40 ang aktibong lumalahok sa online gaming gaya ng electronic sabong (e-sabong).

Sinabi pa ni Oducado na kabilang sa mga nahuhumaling at nalululong sa online gambling ay mga professionals, unemployed, mga homeworkers o kasambahay at ang ilan naman ay mga estudyante habang 18% dito ay mga walang trabaho.

“Online gambling is highly accessible and tempting, even to still minors and vulnerable demographics.,” wika ni Oducado.

Binigyang diin pa ni Oducado na hindi rin maaaring sabihin na malaki ang naitutulong ng online gambling sa kabuhayan ng mga manunugal sapagkat 1% lamang sa mga mananaya ang guminhawa ang buhay habang 9.8% naman ang naghirap at naghikahos matapos maubos ang kanilang pera sa kasusugal (online gambling).

“Low-income groups are heavily affected, risking poverty perpetuation. It is also important to mention that online gambling poses serious social repercussions including mental health decline, family conflict and attempted suicide,” sabi pa ng kongresista.