Calendar
CALABARZON cops binigyan ng parangal
PINARANGALAN ang ilang pulis ng Police Regional Office (PRO)-4A sa pamumuno ni PRO 4A chief P/BGen. Paul Kenneth Lucas sa Camp BGen Vicente Lim, Calamba City.
Pinangunahan ni NAPOLCOM official Julieta Rañeses at iba pang miyembro ng Command Grou ang paggawad ng parangal sa mga tauhan ng PRO CALABARZON bilang pagkilala sa kanilang pagganap sa tungkulin.
Tumanggap ng parangal sina P/Lt. Col. Carlito R. Valdez, P/Lt. Anacleto Q. Valiente, PCMS Ronald T. Torres, PMSg Mark Rich T. Oasay, PSSg Christopher J. Barte, PSSg Angelica M. Manalo, PCpl Jhoart S. Matibag, Pat Chander Nel’z C. Amador, Pat Cindy B. Taladlad, Pat Rose Jean R. Madeja, Pat Carl Angelo C. Dael at Pat Troy B. Abtina.
Binigyang-diin ni RD Rañeses na ang mga kalalakihan at kababaihan sa uniporme ay dapat maging patas, propesyonal at makatao sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon at pagiging tapat sa pagkilos ng mga pulis.

