Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Calapan nag-premiere ng pelikula
Helen D. Prado
Jul 27, 2026
204
Views
LUNGSOD ng Calapan–Ginanap ang premiere night ng pelikulang “Behind The Smile” noong Hulyo 26 sa Calapan City Convention Center.
Tampok sa pelikula sina dating vice governor EJ Falcon, Jennica Garcia, BJ Forbes at si Dana Alexa Cada. Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Lawrence Roxas.
Binigyang-diin ni Mayor Doy Leachon ang mahalagang adbokasiya ng pamahalaang lungsod ukol sa HIV/AIDS Awareness, lalo na sa mga kabataan na sentro ng mensahe ng pelikula.
Ipinagmalaki ang ilang mahahalagang eksena ng nasabing pelikula na kinunan sa mga iconic na lugar sa Calapan.
Nagpahayag ng pasasalamat ang Calapan sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa makabuluhang kaganapan.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

