Mabini

Mayor Luistro, Sen. Risa nakikiisa sa paggunita sa kaarawan ni Apolinario Mabini

15 Views

Mabini1

MABINI, Batangas–Masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ng “Dakilang Lumpo” na si Apolinario Mabini sa bayang ito kamakailan pa pinangunahan ni Mayor Noel Luistro at Sen. Risa Hontiveros kasama ang pamahalaang lokal ng Mabini.

Ginanap ang seremonya upang bigyang-dangal ang bayan at ambag sa kasaysayan ng pambansang bayani.

Nagsimula ang programa sa isang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Mabini, na sinundan ng mga pampublikong gawain na nilahukan ng mga residente at lokal na opisyal.

Binigyang-diin ni Mayor Luistro ang kahalagahan ng pagpapanatili ng buhay na pamana ni Mabini sa puso ng bawat mamamayan ng bayan.

Pinarangalan naman ni Sen. Hontiveros ang talino ng bayani na nanatiling inspirasyon sa kasalukuyang pamamahala.

Nagtapos ang pagtitipon nang may sigla at pagkakaisa at bitbit ang layuning patuloy na isadiwa ang mga aral ng Utak ng Rebolusyon.