Rape Kinilala ni P/Lt. Col. Rommel Anicete ang suspek na nahuli dahil sa kasong rape sa Intramuros, Manila.

Call center agent na suspek sa rape arestado

Jon-jon Reyes Oct 8, 2025
109 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station 13 ang call center agent dahil sa kasong panggagahasa noong Martes sa Intramuros, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas “Bibe” na 24-anyos, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng Baseco Police Station 13.

Bandang alas-12:30 ng tanghali nang damputin ang suspek sa nabanggit na lugar, sabi ni Anicete, sa pangunguna ni P/Lt. Apolonio Ellao.

Nahuli ang suspek sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Barry Boy Ariola Salvador, presiding judge ng RTC Branch 185 Manila.