Comelec Ang COMELEC satellite registration sa Brgy. Santa Rosa 1, Noveleta, Cavite noong August 1. DENNIS ABRINA

Cavite may 81,760 na bagong botante

Dennis Abrina Aug 12, 2025
205 Views

TRECE MARTIRES CITY–Nakapagtala ng 81,760 na bagong botante sa Cavite sa ginanap na voter’s registration ng Commission on Election (Comelec).

Ayon kay Atty. Mico Morales-Castro, Cavite Provincial Election Supervisor, maayos ang flow ng registration sa buong lalawigan mula sa walong siyudad at 15 na munisipalidad.

Nakapagtala ang Tanza Comelec ng 9,483 bagong registrants; Bacoor, 9,406; Imus, 8,011; General Trias, 7,504; Trece Martires City, 4,714; Naic, 3,948; General Mariano Alvarez, 3,412; at Silang, 3,280.

Ang bayan ng Rosario mayroong 2,898 bagong registrants, Cavite City, 2,848; Tagaytay City, 2,620; Indang, 2,229; Carmona City, 1,907; Kawit, 1,889; Alfonso,1,452; Maragondon, 1,170; Amadeo, 1,077; Mendez, 785; Noveleta, 782; Bailen, 729; Magallanes, 585; at Ternate, 382.

Pagkatapos ng registration, dadaan pa ang mga listahan ng new registrants sa Posting of Hearing of the applicants kung may mga mag-oppose sa mga nakalista na nagpatala sa 10-day registration bago ito tuluyang ma-approve ng Comelec.