Santiago Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang actual na pag aresto sa suspek na umano’y opisyal ng BFP sa Central Visayas. JONJON C. REYES

NBI hinuli BFP official sa CV sa paghingi ng P.4M sa aplikante

Jon-jon Reyes Aug 12, 2025
387 Views

ARESTADO ang opisyal ng Bureau of Fire Protection dahil sa robbery-extortion ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Central Visayas Regional Office.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-ugat ang pag-aresto sa suspek dahil sa reklamong inihain ng aplikante sa BFP sa suspek na si alyas Roy.

Ibinahagi pa ng complainant na hiningan umano siya ni Roy ng P400,000 bilang ‘thanksgiving money’ sa pagkakapasok sa final roster ng mga kandidato para maging fire safety officers.

Kaya’t ikinasa ng mga tauhan ng NBI ang entrapment sa Cebu City na nagresulta sa pagkakaaresto sa opisyal ng BFP.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery at grave misconduct sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa reklamo, nanghingi umano ang suspek ng malaking halaga kapalit ng approval ng kanyang aplikasyon.

Iginiit ng complainant na naisumite na niya ang lahat ng requirements at qualified siya sa posisyon.

Ang hinala ng aplikante hindi naaprubahan o ‘denied’ ang application niya dahil wala siyang “backer.”