Parak

CCTVs sa Bataan pimuri

Christian Supnad Aug 13, 2026
155 Views

BALANGA CITY, Bataan– Pinuri noong Miyerkules ni Lt. Col. Alvin Christopher Baybayan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) ang mga CCTVs sa lalawigan.

Sa radio interview ni Jimmy Z, sinabi ni Baybayan na ang mga installed CCTV sa Roman highway ay nakakapagbigay ng proteksiyon sa publiko.

Napakalaking tulong itong mga CCTV na nakakabit sa Bataan dahil madaling malutqs ang anumang krimen na nangyayari doon; ang galing talaga ng Bataan,” sabi ng police colonel.

Ang mga CCTVs installations sa Roman highway ay isinagawa nina dating governor na ngayon ay congressman Abet Garcia at incumbent governor Joet Garcia.

Nagbigay din ng payo si Col. Baybayan sa public na manatili sa mga well- lighted portion ng highway kung abutin ng gabi o nag aantay ng masasakyan.

May mga reklamong maraming napepeke na order sa online dahil hindi original ang mga dinedeliver kundi imitation lamang nq produkto.

Si Col. Baybayan ay nagsilbing CIDG provincial officer kamakailan.