BBM-Sara

CDO buhos ang suporta sa BBM-Sara tandem

267 Views

DAANG libo ang dumagsa sa campaign rally ng UniTeam sa Cagayan de Oro upang ipakita ang kanilang suporta kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential frontrunner Sara Duterte.

Tiniis ng mga suporter ang init at ulan para lamang maipakita ang kanilang suporta kina Marcos at Duterte.

Nagpasalamat naman ang UniTeam tandem sa mga nagpakita ng suporta sa kanila.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na kung ang dami at init ng pagtanggap sa kanila ang pagbabatayan ay panalo na sila sa May 9 elections.

“Daghang salamat! basta ma sulti ang Cagayan de Oro ug Misamis Oriental gi daog naku sigurado daog naku siguradong panalo na ako,” sabi ni Duterte.

Pinaalalahanan ni Duterte ang mga botante na magdala ng kodigo sa pagpunta sa kani-kanilang presinto sa May 9 upang hindi makalimutan ang kanilang mga iboboto lalo na sa pagka-senador na marami ang kumakandidato.

Nangako ang magka-tandem na isusulong ang mga programa upang mabilis na makabangon ang ekonomiya at makalikha ng maraming mapapasukang trabaho para sa mga Pilipino.