Sara

Lakas-CMD itinanggi maling impormasyon na ikinakalat laban kay Mayor Sara

203 Views

HINDI umano totoo na hindi sinipot ni vice presidential frontrunner Davao City Mayor Sara Duterte ang isang campaign rally sa Palawan.

Ayon sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) walang nakatakdang appearance ang UniTeam tandem nina Duterte at presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naturang campaign rally noong Abril 25.

“The Palawan rally was a political event organized by local support groups/slates. Such event was not included in the UniTeam’s calendar of activities,” sabi Lakas-CMD party sa isang pahayag.

Si Duterte ang chairman ng Lakas-CMD na mayroong kasunduan sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Marcos kaya nabuo ang UniTeam.

“As the UniTeam proceeds with the few remaining weeks of campaign to the May 9 Election day, we urge our supporters and allies to follow official social media and mainstream media platforms for official announcements,” dagdag pa ng Lakas-CMD.

Sinabi ng Lakas-CMD na sa kumuha lamang ng impormasyon kaugnay ng mga aktibidad ni Duterte sa mga opisyal na social media pages gaya ng Mayor Inday Sara Duterte, Hugpong ng Pagbabago, Lakas-CMD, at UniTeam BBM-Sara Facebook Pages upang hindi maloko at makapagkalat ng maling impormasyon.