Mag-jowa magka-wavelength, bagay na bagay
Aug 9, 2026
Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Provincial
MegaLotto jackpot nasungkit sa Laguna
Peoples Taliba Editor
Apr 26, 2022
548
Views
ISANG mananaya sa San Pablo City, Laguna ang nakasungkit ng P8.91 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola noong Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 36-17-29-28-12-05.
Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 41 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.
Tig-P1,000 naman ang tinamaan ng 1,471 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang 22,404 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
7 wanted sa rape, sex assault kalaboso
Aug 9, 2026
COLLECTION TARGET NILAMPASAN NG PORT OF LIMAY
Aug 9, 2026
Twinning agreement sinelyuhan ng Mabini, Munti
Aug 8, 2026

