Arestado Inaresto ni PSSg Albert Yandan ang akusado dahil sa paglabag sa RA 9165 at binanggit ang kanyang mga karapatan na nakasaad sa Konstitusyon. Dinala ang akusado sa Gat Andres Bonifacio Medical Center para sa medikal na pagsusuri bago itinurn over sa mga pulis para sa standard booking procedures.

Chinese na marketing freelancer tiklo sa droga

Jon-jon Reyes Oct 7, 2025
148 Views

ARESTADO ang nagpakilalang freelance marketing agent na Chinese ng mga operatiba ng Manila Police District dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) sa Adriatico corner Gen. Malvar Sts., Malate, Manila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas si Sherwin, 45.

Ayon sa imbestigasyon, bandang als-8:04 ng gabi ng magsagawa ng manhunt sina P/Lt. Rolando Morada Jr. at P/Lt. Col. Ra Guardaya na nagresulta sa pagka-aresto sa akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay tumutukoy sa criminal case No. R-MNL-14-304335-CR na inisyu ni Judge Gwyn Calina, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 44, Manila.

May inirekomendang P200,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.