Calendar
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang ribbon-cutting ng photo exhibit na pinamagatang “Make Manila Great Again” sa Event Center ng SM City Manila.
SM Manila may photo exhibit ni Yorme
SINA Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang nagputol ng ribbon sa pagsisimula ng “Make Manila Great Again” photo exhibit sa SM Manila noong Oktubre 8 hanggang 11.
Tampok sa exhibit ang mga de-kalibreng larawan mula sa unang 100 araw ng pamahalaan ni Mayor Isko.
Ang photo exhibit ay joint project ng SM Corporation at ng Manila Police District Press Corps (MPDPC), sa pamumuno ni Jon-jon Reyes ng People’s Journal Tonight, president; vice president Edd Gumban ng Philippine Star; secretary Mike Alquinto ng Manila Times; board chairman Jonas Sulit ng Abante; directors na sina Norman Araga ng Manila Standard, Itoh Son ng Saksi, Yancy Lim ng PNA News, Jocelyn Tabangcura ng Remate Online, Mark Balmores ng Manila Bulletin at Luisito Santos ng DZBB-GMA.
Ayon sa mayor, hindi lang simpleng koleksyon ng larawan ang exhibit kundi matibay na patunay ng “Bilis-Kilos” na pamamahala at muling pagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa Maynila.
Nagpasalamat ang mayor sa SM Corporation at iba pang private partners na sumusuporta sa adhikain ng lungsod tungo sa maayos, maunlad at makataong pamahalaan.

