Lipa

Dahil sa boga, tricycle driver kulong

106 Views

DIRETSO sa selda noong Sabado ang tricycle driver na nahulihan ng baril sa Brgy. Balintawak, Lipa, Batangas.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nhico,” 36-anyos, na naaresto ng mga tauhan ng Lipa City police sa bisa ng search warrant na inisyu ng executive judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 55, Lucena City.

Nakumpiska sa operasyon ang isang cal .38 revolver na kargado ng limang bala.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng aming dedikasyon sa pagtataguyod ng batas at pagpigil sa karahasan na may kinalaman sa baril,” pahayag ni Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo.