Suspek

Dahil sa rape, kelot timbog

113 Views

CAMP Gen. Miguel Malvar – Natimbog noong Lunes ng mga otoridad ang lalaki dahil sa kasong panghahalay sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, Batangas.

Ang akusado, si alyas “Romeo,” ay 34-anyos at naninirahan sa Sitio Bukluran 2, Brgy. Darasa, Tanauan City, ayon sa report.

Hinuli ang biktima sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng presiding judge ng Regional Trial Court Br. 6, Tanauan City, Batangas para sa qualified rape of a minor at sexual assault.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Tanauan City police.