Delima

De Lima pinapurihan ang Akbayan Party List

Mar Rodriguez Jul 9, 2025
192 Views

NAGPAHAYAG ng kagalakan si Mamamayang Liberal (ML) Party List Representative Leila M. de Lima matapos isulong ng Akbayan Party List group ang kanilang panukalang batas at resolution para pangunahan ang pagtatatag ng West Philippine Sea (WPS) bloc sa Kamara de Representantes.

Sinabi ng dating senadora na kabilang siya at ang Akbayan Party List group sa mga nakipaglaban upang igiit ang ating karapatan at sobereniya sa Permanent Court of Arbitration kung saan ito aniya ay napagtagumpayan ng Pilipinas.

Dahil dito, binigyang diin ni De Lima na ang panukalang batas na inihain ng Akbayan Party List group kasama na ang kanilang House Resolution ay isang kolektibang pagtugon at nagsisilbing paalala narin sa bawat mamamayang Pilipino na ang WPS ay sa atin.

“We fought for our rights, sovereign rights, in the Permanent Court of Arbitration and we won. To pretend otherwise is not only a disservice to our nation but a betrayal of history. These bills and Resolution is our collective response that WPS is ours,” wika ni De Lima.

Muling iginiit ni De Lima nanalo ang Pilipinas sa The Hague kaugnay sa ating paghahabol sa WPS subalit lantaran aniyang ibinenta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China ang natamong tagumpay ng Pilipinas na itinuturing nitong “kataksilan” sa bayan.

Sabi pa ng neophyte congresswoman na ang July 12 ay hindi lamang isang ordinaryong petsa bagkos ito ay isang “National WPS Victory Day” kung saan ito ay isang paalala na ang international law ay nasa ating panig kaya malinaw na mayroon tayong karapatan sa WPS