DepEd pinuri Comelec sa bagong rule sa service credits

Arlene Rivera Aug 13, 2026
167 Views

APRUBADO sa Department of Education (DepEd) ang decision nh Commission on Elections (Comelec) na alisin ang service credits na nakukuha ng mga public school teachers na nagdu-duty kapag election.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 11212-A, pwede ng i-claim ng mga teachers ang service credits nila animang oras pagtapos ng poll duties.

Dati kailangang paabutin ng isang taon bago magamit ang service credits na nakuha sa pagtao sa eleksyon.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kahanga hanga ang Comelec sa desisyon nito.

Ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang nag-propose na magkaroon ng flexible leave entitlements ang mga guro.

“Malaking ginhawa ito para sa ating mga guro. Hindi biro ang magsilbi sa halalan—dinaranas nila ang matinding puyat, pagod, at minsan pa’y panganib, para lang maprotektahan ang boto ng bawat Pilipino,” sabi ni Angara.

“Kaya naman nararapat lamang na hindi natin ipagkait o limitahan ng strict deadlines ang kanilang karapat-dapat na pahinga at benepisyo.

Nagpapasalamat tayo sa Comelec sa mabilis na pagdinig sa ating pakiusap at sa pagkilala sa sakripisyo ng ating mga guro,” dagdag ng DepEd chief.

Aabot sa 600,000 public school teachers ang average na bilang ng nga nagdi-duty kada halalan.