Calendar
Diesel, kerosene magmamahal; gas magmumura
BABABA ng hindi mararamdamang 20 sentimos per litro ang gasolina pero sisipa ng 90 sentimos kada litro ang krudo at gaas simula alas-6:01 ng umaga sa Martes, ayon sa mga gas companies.
Sa magkakahiwalay na abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Seaoil at Flying V, 20 sentimos kada litro ang ibabawas sa presyo ng gasolina at 90 sentimos kada litro ang imamahal ng diesel at kerosene simula alas-6:01 ng umaga sa Martes.
Ganito rin ang price adjustment ng PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Unioil Philippines pero alas-4:01 ng hapon ang simula ng price adjustment ng Clean Fuel.
Sinabi ni PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay kasunod ng lingguhang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.

