Calendar
DMW inaresto 2 suspek sa illegal recruitment
DALAWANG suspek na umano’y sangkot sa illegal recruitment ang inaresto ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW)-Region 2 noong Agosto 28 sa Santiago City, Isabela.
Nakatanggap ng reklamo ang DMW hinggil sa umano’y pag-aalok ng trabaho bilang caregiver sa Ireland ng isang immigration consultancy na walang lisensya mula sa DMW.
Ang mga suspek na mga empleyado ng Consultancy Services sa Santiago City na nag-aalok umano ng trabaho bilang caregiver sa Ireland na may sahod na €3,200 kada buwan.
Sina DMW Region 2 Regional Director Atty. Rogelio T. Benitez at CIDG Isabela Provincial Field Unit Chief PLt. Colm Rex Pascua ang umaresto sa dalawang suspek.
Binigyang-diin ni Director Benitez na hindi maaaring gamitin ang pagiging “immigration consultancy” bilang paraan upang magsagawa ng recruitment para sa overseas employment nang walang kaukulang lisensya o awtorisasyon mula sa DMW.
“Hindi maaaring gamitin ang pagiging ‘immigration consultancy’ para magsagawa ng recruitment para sa isang overseas job. Kailangan ay awtorisado sila o may lisensya mula sa DMW,” ani Director Benitez.
Pinaalalahanan ni Benitez ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na tiyaking lehitimo ang recruitment entity bago mag-apply o magbayad ng anumang halaga.
Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek ay nasa CIDG Provincial Office sa Ilagan City habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang mga kaso bago ang inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor sa Santiago City.

