Document

DPWH officials, workers may ‘travel ban’ hanggang Nobyembre

253 Views

PANSAMANATALANG sinuspinde ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-apruba ng lahat ng aplikasyon para sa authority to travel abroad ng kanilang mga opisyal at empleyado hanggang katapusan ng Nobyembre 2025.

Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects ng ahensya.

Sa inilabas na memorandum, nilinaw ng DPWH na suspendido lamang ang personal na biyahe sa ibang bansa, maliban kung ito ay para sa agarang medikal na dahilan.

Dagdag pa rito, nakabatay ang hakbang sa alituntunin ng Civil Service Commission na nagsasabing ang pag-apruba ng vacation leave ay depende sa pangangailangan ng serbisyo, at ang authority to travel para sa personal na dahilan ay hindi awtomatiko kundi discretionary.

Binigyang-diin din ng DPWH na bahagi ito ng kanilang paninindigan para sa transparency, accountability, at integridad sa pampublikong serbisyo, habang nagpapatuloy ang beripikasyon ng mga proyekto.