Kapunan: Hindi si VP Sara ang biktima
Oct 14, 2026
VP Sara hindi na kailangang magbitiw –Abante
Oct 14, 2026
Calendar
Provincial
Driver utas sa kadyot
Gil Aman
Feb 14, 2025
559
Views
PATAY ang 47-anyos na driver ng pampasaherong jeep ng saksakin ng obrero habang nagbabaklay sa Candaba Subdivision, Brgy. Sta. Isabel, San Pablo City, Laguna noong Huwebes.
Idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Mark Reyes, attending physician, ang biktima na si Ronaldo Magnaye Salvania, ayon sa report.
Arestado naman ang itinuturong suspek na si Alyas Cezarick, 23.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi sa isang sugalan naganap ang pananaksak ng suspek sa hindi malamang motibo.
Tumakas ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar subalit ilang oras nadakip rin ng mga nagrespondeng tauhan ng San Pablo police.

