Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Iginawad kay Bataan provincial treasurer Alice Magtanong (gitna) ang recognition kina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, Jocelyn Linao at kaliwa at Carlo Oracion.
Provincial
Efficient tax collection tiyak sa Limay
Christian Supnad
Dec 16, 2025
577
Views
KINILALA ang Limay, Bataan noong Lunes na magaling sa pagkolekta ng mga buwis.
“Ang Limay ay isa sa mga kinilala sa Real Property Tax Collection Efficiency na ginanap noong Disyembre 15,” sabi ni Mayor Richie Jason David.
Si Bataan provincial treasurer Alice Magtanong ang nanguna sa pagkilala sa Limay at dinaluhan ang event nina Mayor Jason David, Vice Mayor Grace David kasama sina Jocelyn Linao at Carlo Oracion, municipal treasurer.
Ang karangalang natanggap nila ay “pagkilala sa patuloy na pagsisikap, dedikasyon ng mga opisyal at kawani ng munisipyo sa tapat at epektibong pagpapatupad ng pangongolekta ng real property tax,” ayon sa mayor.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

