Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Pulis

Engineer nakorner sa iligal na boga

352 Views

NADAKMA ng mga pulis noong Linggo ang isang engineer dahil sa pag-iingat ng mga baril na walang lisensya sa Brgy. Mataas na Lupa, Taysan, Batangas.

Naaresto si alyas Roderick, 48, dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) bandang alas-6:00 ng gabi ng pinagsanib na pwersa ng Taysan police na pinamumunuan ni P/Cpt. Kevin Amorio.

Hinuli ang suspek sa search warrant na inisyu ni Executive Judge Agripino Bravo ng Regional Trial Court ng Lucena City.

Nakumpiska sa operasyon ang Colt cal .45 pistol at siyam na bala, isang cal .38 revolver na may anim na bala at holster para sa cal .38 revolver.

Ang naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Taysan police habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa korte.