Batangas1

Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno

172 Views

Batangas

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas— Dalawang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad dito noong Agosto 23.

Ang matagumpay na pagpapasuko ay naisagawa sa koordinasyon at pangunguna ng Batangas Police Provincial Office (PPO) sa ilalim ni Batangas police director PCol. Oliver Ebora.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Vina at Jenny, na kapwa kabilang sa Periodic Status Report (PSR) ng pamahalaan.

Isinuko ni Vina ang isang .45 caliber pistol.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng 1st Batangas PMFC ang dalawa para sa dokumentasyon at pagproseso ng aplikasyon sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Pinuri ni PCol. Ebora ang lakas ng loob ng dalawang sumuko.