Magsino1

Ex-party list rep nagbabala vs illegal recruiters

Mar Rodriguez Jan 13, 2026
348 Views

NAGBABALA si dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-ingat sa mga illegal recruiters dahil nagpapatuloy sa masamang gawain ang mga ito kasunod ng hatol ng Pasig City Regional Trial Court Branch 161 laban kay Nyssa Deduque dahil sa illegal recruitment.

Ipinaliwanag ni Magsino na bagama’t mahigpit na ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga illegal recruiters dapat pa rin mag-ingat ang mga OFWs sapagkat hindi natitinag ang mga nasa likod ng nasabing modus.

Pagbibigay diin ng dating kongresista na sa kabila ng maigting na kampanya laban sa illegal recruitment hindi parin humihinto ang ilang grupo sa pambibiktima ng mga inosenteng mamamayan na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Magsino na bagama’t hindi aktibo ang OFW Party List ngayong 20th Congress nakatutok pa rin ito sa kalagayan ng mga OFWs at Filipino seafarers.