Calendar
OFW party list natuwa sa free courier service ng LTO
PINURI ng OFW Party List ang Land Transportation Office (LTO) matapos dahil sa paglibre ng medical at courier service para sa mga magre-renew ng driver’s license na mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa ibang bansa.
Pinasasalamatan ni dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang LTO dahil sa pagpapahalaga sa milyun-milyong OFWs.
Ipinaliwanag din ng dating mambabatas na ang nasabing insentibo ng LTO ay maituturing na isang paraan ng kanilang pasasalamat para sa mga OFWs para mapagaan ang kanilang gastusin.
Sa ilalim ng programang ito ng LTO, hindi na kailangang umuwi ng Pilipinas ang mga OFWs sapagkat direktang ibibigay ng LTO ang kanilang serbisyo katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Affairs (OWWA).
Dagdag pa ni Magsino na nakapaloob sa memorandum na inilabas ng ahensya na saklaw ng programang ito ang mga OFWs na lumahok sa mga caravan ng OWWA at DMW mula sa iba’t-ibang bansa.

