Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Gatchalian1

Gatchalian humiling ng mas maigting na programa vs bullying

32 Views

NANAWAGAN si Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ng mas maigting na pagpapatupad ng mga programa laban sa bullying at para sa mental health habang nagbabalik-eskuwela ang humigit-kumulang 28 milyong mag-aaral.

Seryosong problema ang bullying sa mga paaralan sa Pilipinas at inilalarawan ang bansa bilang “bullying capital of the world.”

Batay sa 2022 Programme for International Student Assessment, isa sa bawat tatlong Pilipinong mag-aaral ang nakaranas ng bullying ng hindi bababa sa isang beses kada linggo.

Binanggit din ni Gatchalian ang mga natuklasan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakitang ang bullying sa paaralan ay madalas nauuwi sa pisikal na karahasan at matinding pananakot, dahilan upang umiwas sa pagpasok sa klase ang ilang mag-aaral.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P2.974 bilyon ang inilaan para sa School-Based Mental Health Program at sa pagtatatag ng Learner Wellness Division.

Kaugnay ito ng pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act o Republic Act No. 12080 na iniakda at isinulong ni Gatchalian.

“Habang patuloy nating tinutugunan ang krisis sa edukasyon, dapat din nating sugpuin ang bullying at palakasin ang suporta sa mental health ng ating mga mag-aaral.

Nakasalalay dito ang kanilang kaligtasan, kapakanan, at kakayahang matuto nang maayos sa loob ng paaralan,” sabi ni Gatchalian.