Gatchalian

Gatchalian: Senado pananatilihin mahigpit na pagbabantay sa Pax Silica

102 Views

SINABI ni Senate President Sherwin Gatchalian na pananatilihin ng Senado ang pagbabantay sa panukalang Pax Silica initiative habang sinusuri ang mga usapin sa kapaligiran.

“Importante na ang Senado ay magkaroon ng oversight at masigurado na itong mga risks at mga hinaing ay matugunan natin,” ani Gatchalian.

Magpapatuloy ang pagbabantay ng Senado sa lahat ng yugto ng panukalang proyekto, ayon sa senador.

Dapat isulong ang inisyatibo ng hindi sinasakripisyo ang proteksyon sa kapaligiran, mga itinatadhana ng Konstitusyon at mga karapatan ng mga lokal na komunidad, kabilang ang mga magsasaka at Indigenous Peoples.

Binanggit din ni Gatchalian ang mga projection na maaaring makalikha ang proyekto ng 200,000 direktang trabaho at hanggang 800,000 oportunidad sa trabaho habang itinatayo ito.