Antetokounmpo Antetokounmpo: Inaabangan sa FIBA World Cup. FIBA photo

“Greek Freak” dadayo sa Pinas

Robert Andaya Jun 22, 2023
153 Views

DADATING si two-time NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks sa Pilipinas.

Si Antetokounmpo, na mas lalong kilala NBA at buong mundo sa tawag na “Greek Freak,” ay maglalaro para sa Greece sa 2023 FIBA World Cup sa Aug. 25- Sept. 10 sa Manila.

Ang premyadong 6-foot-9 power-forward, na sumungkit ng MVP award sa dalawang sunod na taon mula 2019 at 2020, ay inaasahang magbibida para sa world No. 8 Greece laban sa United States, New Zealand at Jordan sa Group C preliminaries.

Nakatakdang magtuos ang Greece at the United States sa Aug. 28 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City

Haharapin din ni Antetokounmpo kasama ang kanyang mga kapatid na sina Thanasis at Kostas ang No. 33 Jordan sa Aug. 26 at No. 26 New Zealand sa Aug. 30.

Kung papalarin sa preliminaries, aabante ang Greece sa second round, na kung saan maari naman nilang makalaban ang anuman sa Group D teams na No. 8. Lithuania, No. 18 Montenegro, No. 31 Mexico at No. 55 Egypt.

Maaaring mapapanood ng nga Pinoy fans sina Antetokounmpo ng live sa halagang P999 para sa day pass na kinabibilangan ng dalawang kapanapanabik na mga laro.

Mabibili na ang nasabing day pass sa https://philippines-ticketing.world cup.basketball/.