TBL James Martinez: Hindi mapigil. Photo courtesy of Thailand Basketball League (TBL) Facebook page.

Waves, Martinez hindi mapigil

Robert Andaya Jul 24, 2023
188 Views

HINDI mapigil ang Phuket Waves sa Thailand Basketball League (TBL).

At malaking bahagi nito ang Filipino sensation na si James Martinez, na patuloy na nagpapabilib sa mga Thai fans sa kanyang mahusay na all-around game.

Muling nagbida si Martinez sa kanyang 27 points at 17 assists at pinayuko ng Phuket Waves ang Pathum Thani Pythons, 105-80, sa Multipurpose Building,Office ng The Permanent Secretary for Defence.

Matapos magtala ng triple-double sa kanilang nakalipas na panalo laban sa Khon Kaen Kings MFT Fruitmasters, patuloy pa din si Martinez sa kanyang impresibong paglalaro upang buhatin ang Waves sa kanilang ika-anim na panalo sa walong laro.

Subalit madami ding nakatulong kay Martinez.

Nagbida din si Morakinyo Michael William sa kanyang monstrous double-double na 31 points at 24 rebounds sa 40 minutes na paglalaro.

Naging mahusay din ang laro ni Raymond Edward Miller sa kanyang 22 points, 28 rebounds, six blocks, at three steals.

Nag-ambag din si Hernal Esconio, na may 17 points para sa Waves.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang ama ni Martinez na si Danilo sa mahusay na paglalaro ng kanyang anak.

“James is also happy, (playing head coach) about the trust given to him by the management,” sabi ni Danilo Martinez, ama ng dating San Beda College at University of the East player.