Fakenews

Hilig sa socmed giants: Fake news sugpuin, sariling bakuran linisin

282 Views

MARIING nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa mga higanteng kumpanya ng social media na kumilos laban sa paglaganap ng fake news at disimpormasyon sa kanilang mga platform, kung hindi ay haharapin umano nila ang posibleng aksyon mula sa pamahalaan.

“The proliferation of fake news, misinformation, and disinformation on social media platforms has reached alarming levels. This is a clear and present danger to our democracy and public safety,” ani Gatchalian.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Gatchalian ang papel ng mga social media platform sa pagpapalaganap ng maling impormasyon. “Sa mga nagdaang taon, malinaw na nakita natin kung paano ginagamit ng masasamang loob ang social media bilang sandata para maghasik ng kasinungalingan, mag-udyok ng galit, at baluktutin ang opinyon ng publiko,” aniya.

Tinukoy rin ng senador na ang fake news ay ginagamit bilang negosyo kung saan panlilinlang ang pangunahing produkto. “Ginagawang negosyo ang fake news at panlilinlang ang produkto,” saad niya.

Binigyang-babala pa niya ang mga social media companies, “Kung hindi nila kayang linisin ang sarili nilang bakuran, hindi mangingimi ang gobyernong kumilos laban sa kanila.”