Calendar
Ikatlong serye ng command visit ng PRO 4A chief ginawa sa Rizal Police Provincial Office

KAMPO LICERIO GERONIMO, Taytay, Rizal–Ginanap ang ikatlong serye ng command visit ni Police Brigadier General Dominic Labbao Baccay, director ng Police Regional Office (PRO) 4A sa Rizal Police Provincial Office sa lalawigang ito.
Tinanggap ng mga opisyal at tauhan ng Rizal PPO sa pangunguna ni Police Colonel Eleazar Barber Jr. ang pagdating ng heneral.
Tinalakay ng mga opisyal ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan at mga estratehiya para sa pagpapahusay ng serbisyo sa publiko at operational efficiency.
Pinuri ni Baccay ang dedikasyon at sakripisyo ng mga pulis-Rizal sa pagpapanatili ng kaayusan.
Inihayag niyang batid niya ang mga hamon sa lalawigan ngunit tiwala siyang mananatiling huwaran ang yunit sa buong Region 4A.
Binigyang-diin ng heneral ang tatlong pillar ng epektibong pagpupulis–ang Intelligence-driven operations, police visibility sa mga pampublikong lugar at matatag na ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad.
Ang adhikain ay nakaangkla sa Focused Agenda ni Chief, PNP PGEN Jose Melencio Nartatez Jr.
Hinimok ng heneral ang lahat ng mga commander at tauhan na maglingkod ng may integridad at propesyonalismo.

