Calendar
Kapatid ng vlogger ‘sinaktan’, ‘hinubaran’ sa loob ng paaralan
CABANATUAN CITY–Nag-viral sa social media ang umano’y pambu-bully sa kapatid na babae ng isang vlogger sa Mabini Homesite Integrated School (MHIS) sa lungsod na ito.
Sa Facebook post ni Dondy, content creator na may higit 1.3 million followers, ikwinento niya na ang nangyari sa kapatid niya na sinaktan, binubully at hinubaran ng kanyang mga kapwa mag-aaral sa loob ng paaralan.
Naglabas ng official statement ang MHIS sa kanilang FB post at ipinahayag na: “The school would like to assure the public that the welfare, safety, and well-being of all our learners remain our highest priority.
Upon learning of the reported incident, the school immediately initiated appropriate interventions in accordance with the policies of the Department of Education.”
Nanawagan din sa publiko si Dondy na suportahan ang kanyang pamilya at tulungan silang makamit ang hustisya para sa kanyang kapatid.
“l am a content creator, working to support the studies of my siblings and inspire many people,” saad pa niya sa FB post.
Iniisip ng content creator kung magsasampa ng kaukulang reklamo laban sa mga taong sangkot umano sa insidente.

